Friday, March 1, 2013

Underground economy

Underground Economy





           Ano nga ba ang ibig sabihin ng underround Economy? Ito ay tumutukoy sa mga transaksyong pang ekonomiya, mga uri ng hanapbuhay na hindi nakatala sa pamahalaan. Bakit nga ba tinatangkilik ang mga ganitong hanpbuhay? May mabuti batong maidudulot sa atin?

          Sa panahon natin ngayong uso na ang mga hanapbuhay na hindi nakatala sa pamahalaan. Mga hanapbuhay na naging dahilan ng maraming pagbabago. May maganda at masamang naidudulot ang hanapbuhay na ito. Alam naman natin ngayon na sa panahon natin ngayon lahat ng bagay ay nagmamahal na. Kaya pag nagmamahal na ang mga produkto o mga bagay naghahanap sila ng ibang paraan upang makahanpap ng mas mura. Kung ikaw rin naman ang papapiliin kung mahal o mura syempre ang pipiliin mo ay ang mura. Kasi pag sa mura ikaw ay makakatipid at maaari mo pang mabili ang ibang bagay na gusto mo pang mabili.

          Ang ganitong hanapbuhay ay may epekto sa kalusugan ng isang tao. Marami ang nagkakasakit dahilsa ganitong hanpbuhay. Kung ikukumpara natin sa mga bagay na may tatak o mataas ang kalidad 50-50 ang mas  pinipili ang mura kaysa sa mahal. Ibang iba ang paraan o proseso ng paglikha ng mga produkto sa underground economy. Alam naman nating lahat na ang proseso sa underground economy ay ang iba ay hindi ganuun kalinis ngunit patuloy parin itong itinatangkilik ng marami. Kahit na nakakaapekto ito sa kanilang kalusugan patuloy parin nila itong tinatangkilik. Dahil sa panahon ngayon wala nang libre kaya sinasamantala na nila ang mga bagay na mura. Basta mura masarap. Ang mahalaga sa iba ay makakain lang at masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya kaya kahit anung paraan ay handa silang gawin.

       Nasasa atin parin kung tatangkilikin natin ito. Kung ako ang papapiliin mas pipiliin ko kung saan sigurado ka. Kahit mahal ay dapat handa ka dahil dito mas makakasigurado ka na ligtas ka may nakain kapa. Ngunit hindi naman natin mapipilit ang iba. Ito nalang ang kanilang pagasa upang mabuhay. Dahil narin sa kahirapan kaya nila nagagawa ang mga ito. Ang bawat bagay ay may kadahilanan. Kahit na alam nilang mali o hindi tama, gagawin at gagawin parin nila ito  para sa kanilang ikabubuti.

 
      Kung ikaw ang papapiliin saan ka sa mahal o sa mas mura? Nasa sayo ang desisyon at nasa iyo ang iyong kapalaran.

 

No comments:

Post a Comment